Timbog ang dalawang katao matapos masabat ng awtoridad ang milyun-milyong halaga ng iligal na droga sa ikinasang drug buy-bust operation.
Nahaharap ngayon ang mga inarestong drug suspek sa kasong paglabag sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Act of 2022.
Batay sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga naarestong indibidwal na Josephose Pintal at Jezper Cañete na mga distributor umano ng mga iligal na droga mula sa National Capital Region at ibinibyahe sa probinsya bilang ruta ng transshipment para sa distribusyon sa mga kalapit na rehiyon.
Nahuli ang mga indibidwal sa Barangay Dangay sa bayan ng Roxas ng probinsya ng Oriental Mindoro nitong ika-30 ng Nobyembre, taong kasalukuyan.
Nasabat ng awtoridad sa isinagawang operasyon ang mahigit-kumulang 250 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may Dangerous Drug Board (DDB) value na P15.3 milyon.
Naging matagumpay ang pagkakaaresto sa dalawang distributor umano ng iligal na droga sa pamamagitan ng PDEA Oriental Mindoro Provincial Office na pinangunahan ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Roxas Municipal Police Station, PDEG SOU 4B, PDEA Calapan-SIU NBI MIMAROPA, PNP-Drug Enforcement Unit at PNP Mobile Group Battalion 4b 403.