PHOTO//PHILIPPINE COAST GUARD

Ni Ven Marck Botin

ARESTADO ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) ang dalawang (2) hinihinalang illegal recruiters sa barangay Binuangan, Isabela City, Basilan, kahapon, ika-29 ng Mayo 2023.

Ayon sa isinagawang entrapment operation ng dalawang ahensya, โ€œnaaktuhan ng mga otoridad ang personal na pagtanggap ng mga suspek sa โ€˜marked moneyโ€™ na nagkakahalaga ng โ‚ฑ91,000 mula sa mga nagpanggap [na] aplikante ng PCGโ€.

Nakuha sa pagmamay-ari ng mga suspek ang โ€œpatung-patong na PCG application folders, [cellular phone, at sling bag na naglalaman] ng โ€œmarked moneyโ€.

Kinilala ang mga suspek na sina Yazier Tanji Balling at Rodel Alegre Lagayan, mga wastong gulang, mga residente ng Bgy. Kaumpurnah Zone 1 at Lapiedad sa nabanggit na bayan, lalawigan ng Basilan.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code o Estafa ang dalawang suspek.

Dagdag dito, nananawagan naman ang Philippine Coast Guard sa mga aplikante na agarang ipagbigay-alam sa kanilang ahensya ang ganitong uri ng mga gawain nang mabigyan ng agarang aksiyon.