Ni Ven Marck Botin
NAITALA ang bayan ng San Jose bilang may pinakamataas na datos ng mga kabahayang mahihirap sa buong lalawigan ng Occidental Mindoro at Region 4B, ayon sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office MIMAROPA.
Sa Listahanan 3 Provincial Poverty Map na inilabas ng ahensya, nasa 39,899 ang naitalang bilang ng mga kabahayang kasama sa sektor ng โpoor householdsโ
mula sa 102,885 kabahayang ina-assess sa nabanggit na lalawigan.
Ayon pa sa ulat, katumbas nito ang 38.8 porsyento ng kabuuang bilang ng mga kabahayan sa Occidental Mindoro.
Sa listahanan, kabilang din sa may pinakamarami o โhighest magnitude of poorโ ang mga bayan ng Sablayan, Santa Cruz, Abra de Ilog, at Magsaysay.
Sinabi rin ng ahensya na ang Listahanan ay isang mekanismong paraan na ginagamit ng pamahalaan upang tiyakin at alamin ang mga lugar na may mataas na bilang ng mga kabahayan o indibidwal na mahihirap na kailangang bigyang-pansin ng gobyerno ng Pilipinas.
Anila, layunin ng โdatabaseโ na ito na bigyang-daan ang tamang pagpaplano, pagsasagawa ng batas na may kinalaman sa pagbibigay serbisyo sa mga Pilipino, o pagpili ng mga benepisyaryong karapat-dapat makinabang sa serbisyoโt programa ng pamahalaan.