Ni Clea Faye G. Cahayag
PINAGHAHANDAAN na ng City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) ang pagdiriwang ng nalalapit na Pista Y Ang Kagueban na target isagawa sa urban area ng Lungsod ng Puerto Princesa.
Ayon kay Mayor Lucilo Bayron magkakaroon ng pagpupulong hinggil sa nasabing usapin sa darating na araw ng Huwebes, ika-1 ng Hunyo.
Sa flag raising ceremony, binanggit ng Alkalde na ngayong taon, ang pagtatanim ng mga puno ay isasagawa sa Poblacion upang matugunan ang tinatawag na Urban Heat Island.
“Sa Huwebes, magkakaroon tayo ng isang meeting, ito ay tungkol sa Pista Y Ang Kagueban 2023. Para sa inyong kaalaman, inirekomenda ng City ENRO na βyung ating Pista Y Ang Kagueban ay hindi natin gagawin doon sa Kagueban kundi [rito] sa urban area kasi ang theme ay mitigating climate change and addressing urban heat,” ayon sa Alkalde.
Dagdag pa ni Bayron, “sabi [roon] sa binasa ko na research, βyung mga poblacion, city proper ay nagkakaroon ng urban heat island, at ang heat na βyan naramdaman sa gabi [at] hindi sa araw. Kasi, βyung mga concrete slabs [βyun] lahat [ang] nag-a-absorb ng init ng araw [kaya] sa gabi lumalabas βyun kaya maalinsangan sa gabi. Ngayon, kailangan ma-address natin βyan sa pamamagitan ng pagtanim ng mga kahoy [rito] sa urban area”.
Ang Pista Y Ang Kagueban ay sinimulan taong 1991, kung saan milyun- milyong mga puno na tulad ng Balayong, Narra, Mahogany, at iba pang indigenous plants ang naitanim sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Matatandaan, kinilala ang lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa bilang natatanging local government unit na mayroong forestry project na patuloy naman na pinalalawak ng kasalukuyang administrasyon.