PHOTO//CAAP AREA IV PPIA

Ni Clea Faye G. Cahayag

PASOK ang Puerto Princesa International Airport sa listahan ng mga β€˜busiest airports’ sa bansang Pilipinas sa passenger traffic nitong taong 2022, batay sa inilathala ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ang passenger traffic data ay tumutukoy sa commercial passengers sa domestic, international, aviation at military flights.

Sa datos, lumapag sa ika-sampung (10) puwesto ang paliparan ng lungsod ayon na rin sa kumpirmasyon ni Punong Lungsod Lucilo Bayron matapos ang flag raising ceremony nitong araw ng Lunes, ika-29 ng Mayo.

β€œNi-recognized [din] na ang Puerto Princesa International Airport [na] 10th busiest airport sa bansang Pilipinas nitong 2022. Noong 2021, medyo sakop pa ito ng Covid ang ating passenger traffic ay 132, 420 lang. Nung 2022, 1,121, 373 at sigurado ako ngayong 2023 mas higit pa ito [rito] kasi ang daming naglalakbay-aral ngayon dito sa ating lungsod galing sa mga barangay at saka galing sa mga munisipyo,” ang naging anunsyo ng Alkalde.

Batay pa rin sa datos ng CAAP β€˜busiest airport’, nanguna sa listahan ang Ninoy Aquino International Airport, sinundan ito ng Mactan-Cebu International Airport, Francisco Bangoy International Airport ng Davao, Godofredo Airport ng Boracay, Iloilo International Airport, Laguindingan Airport ng Cagayan de Oro, Daniel Z. Romualdez ng Tacloban, Bacolod Silay Airport, Bohol-Panglao International Airport at Puerto Princesa International Airport.

Author