PHOTO// MUNICIPALITY OF CULION

Ni Vivian R. Bautista

ISANG Cheque na nagkakahalaga ng apat (4) na milyog piso ang ipinagkaloob ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) kay Culion Mayor Virginia De Vera nitong nakaraang Miterkules, ika-21 ng Hunyo, ngayong taon.

Ang gawad ay personal na iniabot ni DHSUD Regional Director Peter Daniel G. Fraginal, Enp kay De Vera na gagamitin sa pagpapatayo ng Level II Water System sa Sitio Canimango housing project.

Sa kaganapan ay inilatag ni Mayor De Vera ang mga plano patungkol sa social housing development plans ng Lokal na Pamahalaan ng Culion at kalaunan ay sinamahan nito ang mga panauhin na magtungo sa mga housing sites ng CLUP at maging sa pagtatayuan ng Level II water System.

Ayon sa direktiba ng Alkalde, ang nasabing proyekto ay asahan umanong matatapos bago matapos ang taong 2023.