Ni Vivian R. Bautista
SA IKALAWANG pagkakataon ay muli namang sinuspende ng Office of the Ombudsman si Narra Mayor Gerandy Danao.
Sa ulat ng lokal na midya, nakasaad sa walong pahinang desisyon ng ombudsman ang tungkol sa pananagutan ni Mayor Danao kaugnay sa isinampang kaso ng Citinickel Mines & Development Corporation (CMDC) nitong nakaraang taon.
Ayon sa desisyon, pinatawan ang Alkalde ng anim (6) na buwang suspensyon na may kaugnayan sa paglabag nito sa Anti-Red Tape Law o ARTA.
Inatasan ng Ombudsman si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na agarang ipatupad ang desisyon laban kay Danao.
Matatandaang, nag-ugat ang kaso sa desisyon ng Alkalde na tanggihan ang pagbigay ng kinakailangang mayor’s permit ng minahan na ipagpatuloy ang operasyon nito.