PHOTO//DEPARTMENT OF HEALTH

Ni Vivian R. Bautista

BUMISITA kamakailan sa Northern Palawan Provincial Hospital ang mga kinatawan ng Department of Health (DOH) na layon ay upang mapalakas ang paghahatid ng mga serbisyong pangalagang pangkalusugan.

Ang nasabing pagbisita ay pinangunahan ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Maria Rosario Singh-Vergeire, kasama ang Field Implementation and Coordination Team NCR at South Luzon (FICT) Assistant Secretary Dr. Gloria Balboa at MIMAROPA Assistant Regional Director Vilma Diez.

Sa pagbisita, tiniyak ng OIC ang pagbibigay ng suporta para sa mas maraming human resources para sa kalusugan (HRH) at ang pag-upgrade ng kapasidad ng kama upang higit pang palakasin ang mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa ospital ng probinsiya, ayon sa DOH.

Pinaalalahanan din niya ang local government unit na tiyakin ang pare-parehong suplay ng malinis na tubig para sa ospital.

Dagdag pa Rito, binigyang-diin ni Vergeire ang kahalagahan ng pagpapalakas ng mga network ng healthcare provider.

“The visit of the DOH has opened up new possibilities for the provincial hospital, and you can count on us to provide support. Furthermore, we intend to significantly improve healthcare services in Palawan so that locals can gain access to healthcare services and fully realize Universal Healthcare for every Palawenyo,” pahayag ni OIC-Vergeire.

Naroon din sa nasabing kaganapan ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Palawan, sa pangunguna ni Mayor Christian Rodriguez at Northern Palawan Provincial Hospital Chief Dr. Juvelito Ang.

Matatandaang, bumisita rin ang grupo ng DOH sa El Nido Community Hospital (ENCH) sa Palawan na bilang bahagi ng kanilang ospital rounds sa mga munisipyo sa bansa.

Author