Ni Clea Faye G. Cahayag

SIMULA Enero 1 hanggang Mayo 17, 2023 mayroong naitalang 625 kaso ng dengue sa lungsod ng Puerto Princesa batay sa datos ng City Epidemiology and Surveillance Unit.

Sa nasabing bilang, pito (7) rito ang binawian ng buhay.

Sa loob ng limang buwan, nangunguna ang mga barangay na nasa urban na may naitalang pinakamaraming kaso nito: Barangay San Jose – 76, San Pedro – 68, Sta. Monica – 58, Sicsican – 43, Tiniguiban – 39, San Miguel – 38, San Manuel – 38, Bancao-Bancao – 30, Mandaragat- 28, at Bacungan – 20.

Ayon pa sa PPC City Epidemiology and Surveillance Unit, karamihan sa mga tinatamaan ng dengue sa lungsod ay ang mga batang 1 hanggang 10 taong gulang.
Ang Dengue ay isang impeksyon na sanhi ng virus na dinadala ng lamok na tinatawag na Aedes aegypti.

Ang lamok na ito ay mayroong puti at itim na guhit sa katawan na kadalasang umaatake tuwing alas-sais (6:00) hanggang alas-ostso (8:00) ng umaga at alas-kuwatro (4:00) hanggang alas-sais (6:00) ng hapon.

Ang virus ay naililipat sa tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok.

Author