Nina Ven Marck Botin at Vivian R. Bautista
๐๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐ข ๐๐ง๐ง๐ช๐ค๐ฆ ๐ฐ๐ง ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐๐ฎ๐ฃ๐ถ๐ฅ๐ด๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ฑ๐ฐ ๐ฏ๐ช ๐๐ข๐บ๐ฐ๐ณ ๐๐ฆ๐ณ๐ข๐ฏ๐ฅ๐บ ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฐ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐จ๐จ๐ช๐ญ ๐ด๐ข ๐ด๐ถ๐ด๐ฑ๐ฆ๐ฏ๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ต๐ข๐ธ ๐ญ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฏ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ช๐ต ๐ฏ๐ข ๐ข๐ญ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฅ๐ฆ, ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ด๐ข ๐ต๐ข๐จ๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ด๐ข๐ญ๐ช๐ต๐ข ๐ฏ๐ช๐ต๐ฐ.
Sa panayam ng
Repetek News
kay Jojo Gastanes, aniya, pinatawan ng anim na buwang suspensyon ang kasalukuyang mayor ng bayan ng Narra dahil umano sa paglabag nito sa Anti-Red Tape Law (ARTA) sa ilalim ng Batas Republika 11032 partikular na sa seksiyon 21 o โViolations and Persons Liable. โ Any person who performs or cause the performance of the following acts shall be liableโฆโ.Kuwento ni Gastanes, pinawalang-sala ng Ombudsman si Danao sa kasong paglabag sa grave misconduct at anti-graft. Subalit may suspension order na dumating sa alkalde nitong nakaraang Biyernes dahil umano sa paglabag ng punong-bayan sa ARTA sa kadahilanang hindi niya pagdagdag ng mga requirements sa pag-impose ng Mayorโs permit laban sa nasabing complainant.
Sa kasalukuyan, nasa kamaynilaan ang kampo ni Danao upang mag-apela sa Ombudsman hinggil sa kautusan ng ahensya kamakailan.
โโฆmay suspension order na inilabas, natanggap namin [nitong araw ng] Biyernes. Thatโs why, nasa Manila kami ngayon para [mag-file ng Motion for Reconsideration] sa desisyon ng Ombudsman,โ saad ni Gastanes.
Aniya, hindi na rin nagkaroon ng interes ang Citinickel Mines and Development Corporation (CMDC) sa naturang kaso.
Binigyang-diin ni Gastanes na binawi na ng complainant ang isinampang kaso kay Danao bago dumating ang nasabing suspension order.
โโฆang desisyon na โyan [ay] hindi na rin nagka-interes ang Citinickel. Actually, ang nag-file niyan ay [Citinickel Mines and Development Corporation] pero [binawi] na rin nila โyung kanilang [isinampang] criminal administrative liability [charges laban] kay Mayor Danao. [Although, may desisyon na bago sila nag-motion but nauna pa rin doon sa [ini-release na suspension order ng Ombudsman]. Noโng ini-release โyan kapa-file lang ng motionโฆ Dapat hindi na rin tinuloy kasi may motion na rin, pero in spite with the fact, ay nag-serve pa rin ang Ombudsman,โ dagdag pa niya.