Ni Ven Marck Botin
MATAGUMPAY na inilagay ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga karagdagang “navigational buoys” o boya sa Kalayaan Group of Islands (KIG) na sakop ng West Philippine Sea (WPS) nitong mga nagdaang araw, batay sa ulat ng ahensya.
Nilagyan ng PCG ang Patag Island, Balagtas Reef, Kota Island, Panata Island, at Julian Felipe Reef bilang palantadaan o gabay ng mga Pilipinong mangingisda at malalaking barko na naglalayag sa WPS.
Ayon sa ulat, maituturing itong “sovereign markers” sa KIG na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.