Ni Clea Faye G. Cahayag
๐ฆ๐ ๐๐๐๐ ๐ฟ๐ฎ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฐ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ผ๐ป๐ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ป๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐๐ป๐ฒ๐, ๐ถ๐ธ๐ฎ-๐ญ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐๐ผ, ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐๐ป๐๐๐ผ ๐ป๐ถ ๐ฃ๐๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐๐๐ป๐ด๐๐ผ๐ฑ ๐๐๐ฐ๐ถ๐น๐ผ ๐๐ฎ๐๐ฟ๐ผ๐ป ๐ป๐ฎ ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐ผ๐ผ๐ฏ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ถ๐ฑ-๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ ๐ฏ๐ผ๐ป๐๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐น๐๐ป๐ด๐๐ผ๐ฑ.
โBago ang lahat, good news muna! Nuโng Biyernes, naibigay na ang inyong suweldo para sa first 15 days of May at ngayong araw na ito ire-release ang inyong mid-year bonus,โ ang tinuran ng Alkalde.
Ani Bayron, kaya ito nagagawa dahil nailalagay sa tama ang pondo ng siyudad kaya naman pinuri rin nito ang finance committee.
Sa hiwalay naman na panayam kay City Budget Officer Maria Regina Cantillo, ang mga kwalipikadong empleyado na makakatanggap ng mid-year bonus ay ang mga nakakuha ng very satisfactory performance rating at mga nakapagserbisyo ng apat na buwan bago ang Mayo 15.
โโYung mga bagong appoint lang kunwari na-appoint ngayong February o March wala pang mid-year bonus โyun. Kailangan makapag-render ng service ng at least four months as of May 15, pagkatapos meron din siyang [very] satisfactory performance rating at least two semesters,โ ayon kay Cantillo.
Aniya, ang mid-year bonus o tinatawag ding 14th month pay ay katumbas ng isang buwang sahod ng isang empleyado.
โKunwari ang suweldo ng isang empleyado ay P150,000, yung mid-year bonus niya ay P150,000 din,โ paghahalimbawa pa ng budget officer.
Sa kabuuan, 50 milyon ang pondo na inilaan para sa pagbibigay ng nabanggit na bonus para sa mahigit isang libong plantilla positions sa city government.
Sa kabilang dako, nitong nakaraang taon, mayroong limang (5) empleyado ang hindi nakatanggap ng mid-yeard bonus matapos hindi maabot ang hinihinging requirements ng mga ito.