Ni Clea Faye G. Cahayag
INANUNSYO ni Punong Lungsod Lucilo Bayron na marami ang interesadong βdevelopersβ sa Puerto Princesa.
Katunayan ngayong buong linggo nakatakdang makipag-usap kay Bayron ang ibaβt ibang developers na may kinalaman sa Pambansang Pabahay Program ni Pangulong Ferdinand βBongbongβ Marcos Jr. dito sa lungsod.
βDumadami βyung mga nakikipagkita na developer sa atin para [roon] sa Pambansang Pabahay Program kasi nakikita talaga nila na mukhang tayo ang mauuna.
Sa ibang cities at provinces [tulad ng] Bulacan, limang groundbreaking ang ginawa ni PBBM doon pero wala pang nagsisimula hanggang ngayon.
Maraming problema ang kailangan pang asikasuhin, βyung sa atin [ay] βyung developer ang kailangan natin,β ang tinuran ng alkalde sa flag raising ceremony.
Aniya, nakahanda na rin ang lote na gagamitin kung saan inaasahang 904 pamilya mula sa Quito ang mabebenepisyuhan, hinihintay na lamang umano ang Memorandum of Agreement (MOA) at pagpili ng developer para sa proyekto.
βHindi natin kilala ang mga developer kaya umaaasa tayo sa tip ng Department of Social Housing and Urban Development (DSHUD) kasi hindi nga natin kilala baka tayo mapasukan ng hindi rin matinong mga developer, iiwanan βyung project natin na hindi tapos,β ayon pa kay Bayron.
Ibinalita rin ng Alkalde, nitong nakaraang linggo dumating sa lungsod ang isang Malaysian group at kompanyang Hillsborough, nagkaroon ng briefing patungkol sa housing project at pinayuhan ang mga ito na pumunta sa DHSUD para sa pre-qualification bago ito magsumite ng kanilang company profile at letter of intent.
Maliban dito, binanggit din ng Alkalde na dumating ang proponent para sa konstruksyon ng parking building na itatayo sa likod ng City Coliseum.
βSteel parking ito, multi-level sabi ko, kasintaas ng Coliseum pero huwag na tumaas sa Coliseum,β ani Bayron.
Dagdag pa rito, ang pagbisita rin ng Green Synergy Development Corporation, isang potential investor para sa environmental estate sa barangay Sta. Lucia.
Sa Miyerkules, darating din ang mga representante ng Philman Construction may kinalaman pa rin sa Pambansang Pabahay.
At sa Biyernes naman darating ang Frabel Fishing Corporation na nagpakita naman ng interes sa integrated fish port ng siyudad.