Ni Vivian R. Bautista
PAGSASAKA ang pangunahing hanapbuhay sa Barangay Campong Ulay, sa bayan ng Rizal, Palawan, kayaβt pormal nang pinasinayaan ng Department of Social Worker and Development (DSWD) – Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) ang proyektong Solar Dryer na mayroong warehouse at perimeter fence sub-project na makakatulong sa mga residente sa lugar.
Ang nabanggit na proyekto ay nagkakahalaga ng 1,111,567.60 milyong piso na ipinagkaloob ng DSWD KALAHI-CIDSS na binuksan nitong ika-19 ng Mayo, ngayong taon.
βSa wakas may malapit nang [bibilaran], iimbakan, at gigilingan ng palay,β banggit ng isang community volunteer at isang magsasaka ng barangay Campong Ulay.
Anila, tuwing tag-ulan marami umanong ani sa naturang barangay ang nasisira at nasasayang dahil sa kakulangan ng pasilidad, kaya sa pamamagitan ng paggamit ng Community-Driven Development o CDD, nabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na tukuyin ang problema ng kanilang pamayanan at silaβy naging kasama na sa pagpaplano, pagbuo, at pagsasagawa ng DSWD KALAHI-CIDSS at mga kalakip na proyekto rito.
Ang programang DSWD KALAHI-CIDSS ay tumutulong sa mga komunidad o mahihirap na munisipalidad na matukoy ang mga mga problemang may kinalaman sa kahirapan at gumawa ng matibay na plano para sa sustenableng kaunlaran.