Ni Clea Faye G. Cahayag

NAGDEKLARA na ng State of Health Emergency sa Taytay, Palawan sa bisa ng Sangguniang Bayan Resolution No. 052- 2023 dahil sa nakaaalarmang kaso ng dengue sa munisipyo.

Noong araw din ng Lunes, ika- 17 ng Hulyo taong kasalukuyan ang tanggapan ni Taytay Mayor Christian V. Rodriguez ay nagpalabas ng isang Executive Order No. 028 kung saan hinihingi ang kooperasyon ng bawat isa para mas lalong paigtingin ang kampanya kontra dengue.

Sa ilalim nito, inaatasan ang Municipal Information Office at Information and Communications Technology Office na magpakalat ng mga impormasyon kaugnay sa dengue.

Ang kanilang Environment and Natural Resources Office naman ang mangangasiwa sa paglilinis ng mga bakuran at tamang pagtatapon ng mga basura.

Nakatoka naman sa General Services Office ang pagfacilitate ng inspeksyon at paglilinis sa mga lugar na nasasakupan ng lokal na pamahalaan at inatasan naman ang Municipal Health Office na suyurin at sirain ang pinamumugaran ng mga lamok, paigtingin ang pagsasagawa ng fogging, misting, indoor residual spraying, larvicide application at distribusyon ng โ€˜long-lasting insecticide impregnated netsโ€™.

Hiningi na rin ang tulong ng Department of Education na paigtingin ang kanilang kampanya kontra dengue sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga isinasagawang anti-dengue drive.

Bumuo rin ng Barangay Anti-Dengue Task Force at Aksyon Barangay Kontra Dengue (ABaKD) para manguna sa pagsasagawa ng Clean-Up Drive sa barangay, pagsasagawa ng Education and Information Campaigns sa bawat kabahayan at establisyimento.

Ayon sa ulat ng kanilang Municipal Health Office, 30 mula sa kabuuang 31 barangays sa lugar ang nakitaan ng kaso ng dengue at 13 na ang nasawi.

Batay naman sa public advisory na ipinalabas pa rin ng Office of the Municipal Mayor isa sa nakitang dahilan sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa Taytay sa kabila ng mga isinasagawang vector control operations ay ang โ€˜unsatisfactory participationโ€™ ng komunidad sa pagsasagawa ng Search and Destroy Activities, Self-Protection at early medical consultation.

โ€œThe incidence of dengue cases in Taytay is very high. It is way beyond the epidemic thresholdโ€ฆsubsequent to the alarming situation, State of Health Emergency is declared in the municipality. Pursuant to the declaration, the Municipal Government asks the sincere cooperation of all barangays and communities in the conduct of Dengue Prevention and Control measures,โ€ ayon pa sa public advisory.

Sa datos naman mula sa Vector Borne Mimaropa, umabot na sa 1,287 ang kabuuang naitalang kaso ng dengue sa Taytay ngayong taon.

Author