FILE PHOTO

Ni Clea Faye G. Cahayag

๐˜ˆ๐˜—๐˜™๐˜œ๐˜‰๐˜ˆ๐˜‹๐˜– ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜บ-๐˜‰๐˜ข๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜”๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ ๐˜๐˜ฆ๐˜ข๐˜ญ๐˜ต๐˜ฉ ๐˜—๐˜ณ๐˜ฐ๐˜จ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ ๐˜ข๐˜ต ๐˜‹๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜บ ๐˜š๐˜บ๐˜ด๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฎ ๐˜ด๐˜ข ๐˜“๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜—๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ด๐˜ข.

Ayon kay Vice Mayor Maria Nancy Socrates, noon pang 16th council isinusulong ang ordinansang ito matapos magpaabot ng concern hinggil sa usapin si Fr. Eugene Elivera, Presidente ng Philippine Mental Health Association Palawan Chapter.

โ€œKasi parang โ€˜yung mga dinadala lang natin yung mga basic services pero walang mental health talaga. Itong ordinance will make sure na talagang dala-dala na rin ng City Health Office โ€˜yung services from mental health,โ€ ani Socrates.

Ilan lamang sa mga ipagkakaloob na serbisyo sa ilalim ng ordinansang ito ang pagbibigay ng psychosocial services tulad ng counselling, diagnosis, at pagbibigay ng mga gamot.

Ang hakbang na ito ay pagtalima rin sa Republic Act 7277 o mas kilala bilang Magna Carta for Disabled Person kung saan dapat kasama ang mental health sa public health at hospital system; Republic Act 11036 o ang Mental Health Act of 2018 kung saan kailangan rin ang pag-develop at pag-integrate ng mental health services sa komunidad.

โ€œKasi nga nuโ€™ng pandemic ang daming problema parang na enhance โ€˜yung concern na iyan. Thereโ€™s actually a Republic Act na nakasaad na may need talaga na mag-establish ng community based na mental health program kasi nga dapat nasa baba talaga. So, โ€˜yun parang in response doon sa RAโ€ฆ because of the need talaga, kitang-kita naman ang need sa atin at โ€˜yung ordinance will facilitate [sa] pag-integrate ng mental health sa ibang mga health services na dinadala natin sa mga barangay,โ€ pahayag pa nito.
โ€œParang mitigation to [prevent] lang. Magkaroon ng regular program [para sa] โ€˜regular interaction with the communitiesโ€™ para kung may mga tendency [ng] mental health issues ay naagapan agad. Alam naman nating lahat [na] you brain controls โ€˜yung entirety, physical, everything, so kung hindi okay โ€˜yung mind, brain, it follows na hindi rin okay yung physical na pangangatawan at โ€˜yung lahat pa ng personality mo,โ€ dagdag pa ni Socrates.

Nakasaad rin sa ordinansa ang pagtatayo ng mental health facility sa lungsod.
Ang City Health Office ang magiging in-charge sa programang ito kung saan ibaba ito sa bawat barangay para matugunan ang mental health issues sa kanilang lugar.

Author