Ni Vivian R. Bautista
KASALUKUYANG isinasagawa ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) ECAN Education and Extension Division (EEED) ang tatlong araw na serye ukol sa โCapability Enhancement Activityโ para sa mga miyembro ng municipal at barangay council, ECAN Board members, at Sangguniang Bayan na nagsimula nitong ika-19 hanggang 21 ng Hulyo, 2023 na ginanap sa Municipal Event Center, Purok Liwayway, Barangay Punta-Baja, Rizal, Palawan.
Kaisa ng nasabing ahensya ang PCSDS District Management Division (DMD)-South sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad na layon ay upang mapataas ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok ukol sa mga probisyon ng Strategic Environmental Plan (SEP) Law, partikular na sa Republic Act No. 9175 o Chainsaw Act; RA 9147 o Wildlife Conservation Act; PCSDS Administrative Order No. 11 o ang โMga Panuntunan at Regulasyon na Namamahala sa Konserbasyon at Proteksyon ng mga lugar ng Bakawan,โ; at Orientation on Sustainable Development Goals Number 14 at 15: Life Below Water and Life on Land.
Ang nasabing kaganapan ay kahalintulad umano ng Training Needs Assessment (TNA) na una nang isinagawa noon pang Disyembre taong 2022 ng mga kawani ng PCSDS na ginanap sa Barangay Candawaga, Rizal na kung saan ay naisiwalat kung aling aspeto ng mga batas at patakaran ng nasabing ahensya ang kailangang palakasin at bigyang-prayoridad para sa higit na kamalayan ng naturang munisipyo, batay sa Facebook post ng PCSD.