Ni Vivian R. Bautista
πππππππππ π΄π’ π³π¦π¨πΆππ’π³ π―π’ π΄π¦π΄πΊπ°π― π―π¨ πͺπ¬π’-44π΅π© ππ’π―π¨π¨πΆπ―πͺπ’π―π¨ ππ’π―ππ’ππ’πΈπͺπ¨π’π― π―π¨ ππ’ππ’πΈπ’π― π―πͺπ΅π°π―π¨ πͺπ¬π’-16 π―π¨ ππ’πΊπ°, 2023 π’π―π¨ πΆπ΄π’π±πͺπ― π©πͺπ―π¨π¨πͺπ π΄π’ π―π’π³π’π³π’π―π’π΄π’π―π¨ π±π°πΈπ¦π³ πͺπ―π΅π¦π³π³πΆπ±π΅πͺπ°π― π’π΅ π°πΆπ΅π’π¨π¦π΄ π΄π’ ππ’ππ’πΈπͺπ¨π’π―.
Sa sesyon ay nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang miyembro ng Sanggunian dahil sa nararanasang krisis sa kuryente gaya ng power interruption at load shedding sa mga munisipyo sa lalawigan at Lungsod ng Puerto Princesa.
Sa privilege speech ni Board Member Juan Antonio Alvarez, ang kanyang pagkadismaya sa nangyayaring power interruption sa lalawigan, partikular na sa bayan ng El Nido.
ββ¦lingid sa kaalaman ng lahat, ang bayan ng El Nido [ay] hindi lang po weekend ang rotational load shedding na ginagawa ng PALECO kundi araw-araw na po. Ang nagiging load shedding na ginagawa ng PALECO [doon ay] nakakalungkot, Mr. Chair. Kasi tinaguriang isa sa pinakamagandang destinasyon sa mundo ang El Nido pero may problema tayo [roon] sa kuryente,β ani BM Alvarez.
βNapag-alaman natin na ang El Nido po ngayon, sa [operationsβ peak] ng bayan ay gumagamit ito ng mahigit-kumulang seven (7) pataas na megawatts sa kuryente. Ang nakakayanang i-produce lang po ng NAPOCOR at PALECO ay nasa mahigit-kumulang 5.6 megawatts lang po. So, kung [titingnan] po natin malaki pa po ang pagkukulang sa megawatts na production ng PALECO at NAPOCOR sa El Nido kaya po nagkakaroon sila ng load sheddingβ, dagdag ni Alavarez.
Aniya, nagpatawag kamakailan ang Sangguniang Bayan ng El Nido sa mga kawani na responsable sa kanilang kuryente. Nais ni Alvarez na ipatawag din sa sesyon ang mga responsableng ahensya na may kaugnayan sa nararanasang power interruption at outages sa Palawan para mabigyang-linaw ang nasabing usapin.
ββ¦matagal na pong problema βyan sa El Nido way back 2016 paβ¦ Mayroon ding plano ang PALECO na mag-bid out ng additional 10 megawatts na productionβ¦ 2018 na-approved na po βyung kanilang pag-bid na 10 megawatts pero hanggang ngayon, 2023 na, hindi pa rin nila bini-bid out. So, ano ba talaga ang nangyayari?β ani Alvarez.
ββ¦ang haba na ng [panahong] nakalipas, walang improvement kumbaga sa kapasidad ng kuryente sa bayan ng El Nido, nagkakaroon na po ng mga dismayadong turista. Sβyempre ang mga turista βpag nadismaya sa isang pinupuntahan nilaβ¦ hindi na babalik βyan, hindi na magkukuwento βyan sa mga pinanggalingan nilaβ¦ idi-discourage ka nila na pumunta ng El Nidoβ¦ world class destination pero brownout,β dagdag ni Alvarez.
Samantala, upang malaman ang mga aksiyon na ginagawa ng mga ito, nais ipatawag sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ang PALECO, mga Independent Power Providers (IPPs), at National Power Corporation (NAPOCOR).