PHOTO//MIO-LGU BROOKE'S POINT

Ni Ven Marck Botin

Ayon sa ulat ng Municipal Information Office ng lokal na pamahalaan ng nasabing bayan, sinabi nilang “nananatili pa rin ang presyo ng karneng baboy, baka, manok, alimango, at piling gulay tulad ng repolyo, bawang, patatas, pipino, sili haba, carrots, sayote, kamote at kalamansi [gayundin] ang ilang klase ng bigas tulad ng RC18, XQ, Tonner, Aroma, [gayundin] ang malagkit.

Anila, bumaba rin ang presyo ng produktong petrolyo sa bayan ng Brooke’s Point na kung saan ay simbolo ng pagtaas ng suplay ng ilang pangunahing bilihin sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, ang dating presyo ng gasolina kada litro ay 78.80 hanggang 80.25 peso na ngayon ay 76.15 hanggang 78.40 pesos na lamang ang kada litro nito.

“Bahagyang bumaba rin ang [presyo] isda, ilang klase ng bigas tulad ng Jasmine rice [gayundin] ang presyo ng ibang piling gulay tulad ng sitaw, sibuyas, patola, kamatis, petchay, ampalaya, talong, kamote, at upo,” dagdag ng nabanggit na tanggapan.

Samantala, naiulat din na tumataas ang presyo ng ilang mga piling gulay tulad ng radish, luya, at kalabasa dahil umano sa pabago-bagong bugso ng panahon na dahilan ng mababang suplay ng mga lokal na produkto sa bayan ng Brooke’s Point, Palawan.

Anila, tumaas din ang suplay ng ibaโ€™t ibang klase ng prutas na mabibili sa pamilihang bayan tulad ng mangga, pakwan, apple, orange, saging, singkamas, abokado, at pinya.

Dagdag ng tanggapan, mayroon ding mabibiling iba’t ibang uri ng kakanin tulad ng kutsinta, puto, nilupak, maha-blanca, biko, sapin-sapin, at kalamay hati.

Author