Ni Saldivar P. Nagamacho
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ข๐บ ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ถ๐ฏ๐ข๐ฉ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข 442 ๐๐ฆ๐ฏ๐ช๐ฐ๐ณ ๐๐ช๐ต๐ช๐ป๐ฆ๐ฏ๐ด ๐ข๐ต 217 ๐๐ฆ๐ณ๐ด๐ฐ๐ฏ๐ด ๐ธ๐ช๐ต๐ฉ ๐๐ช๐ด๐ข๐ฃ๐ช๐ญ๐ช๐ต๐ช๐ฆ๐ด (๐๐๐๐ด) ๐ด๐ข ๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ฐ๐ณ๐ฐ๐ฏ, ๐๐ข๐บ๐ต๐ข๐บ ๐ข๐ต ๐๐ถ๐ด๐ถ๐ข๐ฏ๐จ๐ข ๐ฎ๐ข๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐จ๐ถ๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐1,635,000.00 ๐๐ฐ๐ค๐ข๐ญ ๐๐ฐ๐ค๐ช๐ข๐ญ ๐๐ฆ๐ฏ๐ด๐ช๐ฐ๐ฏ.
Kamakailan, nagtungo sa mga nabanggit na lugar ang mga kawani ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) upang ipamahagi sa mga Palaweรฑong nabibilang sa indigent senior citizens at PWDs ang kanilang pensiyon, ayon sa tanggapan ng impormasyon ng Kapitolyo.
Sa bayan ng Coron, pinagkalooban ang 197 nakatatanda ng tulong pinansyal na nakgkakahalaga ng P295,500.00 na saklaw ang mga Buwan ng Hunyo hanggang Hunyo 2022 habang nasa 53 PWDs naman ang nakatanggap ng P318, 000.00 para sa mga buwan ng Enero hanggang Disyembre 2022.
Sa bayan ng Taytay, tumanggap ang 154 nakatatanda ng P231,000.00 para sa mga buwan ng Enero hanggang Hunyo 2022 habang napagkalooban naman ang 51 PWDs ng P153,000.00 para sa mga buwan ng Enero hanggang Hunyo 2022 gayundin ang 59 PWDs ng kabuuang 177,000.00 para sa mga buwan ng Hulyo hanggang Disyembre 2022.
Sa bayan ng Busuanga, malaking tulong para sa 91 senior citizens ang P136,500.00 para sa mga buwan ng Enero hanggang Hunyo 2022 at maging ang halagang P324,000.00 para sa 54 PWDs para sa mga buwan ng Enero hanggang Disyembre 2022.
Ang pagkakaloob ng nasabing tulong pinansyal sa mga nakatatanda at may kapansanan ay pamamagitan ng Sociall Pension Progran for Indigent Senior Citizens at Indigent PWDs ng PSWDO.
Patuloy rin ipinararamdam ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagkalinga sa mga benepisyaryo sa kanilang mga pangangailangan sa pamamagitan ng nasabing programa.