Ni Vivian R. Bautista
GANAP nang nagtapos nitong Ika-14 ng Hulyo taong kasalukuyan ang sanib-puwersang pagsasanay sa pagitan ng US Special Forces at 18th Special Forces Company ng Philippine Army, ang seremonya ng pagtatapos ay ginanap sa AFP Western Command (WESCOM) Joint Operational Area.
Ang nasabing ehersisyo, na kilala bilang Special Operations Command Pacific (SOCPAC) PISTON, ay isinagawa upang mapahusay ang kakayahan at kahandaan ng parehong puwersa, batay sa ibinahaging Facebook post ng Western Command Armed Forces of the Philippines.
Isang (apat) 4 na araw na Culmination Exercise (CULEX) ang sumubok sa kaalaman at kakayahan ng mga kalahok, na kinabibilangan ng mga tropang US at Pilipinas.
Ang nasabing kaganapan ay nakapokus umano sa pagsasagawa ng mga hindi
nakaugaliang pakikidigma, karapatang pantao/law of armed conflict, combat marksmanship, special reconnaissance/direct action, close-quarter battle, survival training, at pagpaplano ng misyon.
Ang pagsasanay na ito ay nagpakita ng matibay na pakikipagtulungan sa pagitan ng Pilipinas at US, na nagpapataas ng interoperability at pagiging epektibo sa pagsasagawa nito.
Ang nasabing seremonya ay pinangunahan ni Lt. Colonel Zandro C Alvez GSC (INF) PA, ang Chief of Staff ng Special Forces Regiment (SFR), PA na nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng Rizal, mga stakeholder, at mga boluntaryo sa kanilang suporta sa naturang aktibidad
Ang mahalagang kontribusyon ng CAFGU Active Auxiliaries at ng โSamahang Itinatag Bilang Aktibong Tagapagbantayโ (SIBAT) ay kinilala at pinahahalagahan din.