PHOTO|| MIO BROOKE'S POINT

Ni Clea Faye G. Cahayag

ANG pamahalaang lokal ng Brookeโ€™s Point, Palawan sa pamamagitan ng kanilang Local Inter- Agency Committee on Relocation and Resettlement ay namahagi ng lupaing tirahan sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Nasa 160 indibidwal at 59 katutubo ang nakatanggap ng lupaing tirahan sa ibaโ€™t ibang lugar sa Pangobilian kabilang na dito ang Kagitingan Village, Maharlika Village, Samariรฑo Village, Balacan Village at Zamora Village.

Ayon sa kanilang Municipal Information Office, ang mga nakatanggap ng libreng lupaing tirahan ay dumaan sa validation, evaluation at arbitration ng sub-committee ng LIAC.

Ang Lot Awarding Ceremony ay isinagawa noong Hulyo 12 at 13 sa covered gym ng barangay Poblacion District II at Barangay Mainit. Ito ay pinangunahan nina Mayor Cesareo R. Benedito Jr., Vice Mayor Atty. Mary Jean D. Feliciano, SB Sarah Jane Crespo-Abon, SB Nathan Sam O. Lacanilao, SB Victoriano Colili SB, Tad Balean, MPDO Joie Piramide, MSWDO Reynaldo Bacosa, MASSO Janet Quino at iba pang kawani ng lgu.

Sa mensahe ni Mayor Benedito, binigyang diin nito na pahalagaan at huwag ipagbili ang mga lupaing tirahan upang magamit pa ito ng mga susunod na henerasyon.

Aniya, layunin ng programa na magkaroon ng maayos at ligtas na tirahan ang mga mamamayan ng Brooke’s Point lalo na ang mga informal settlers na nakatira sa mga delikadong lugar tulad ng nasa tabing dagat/ilog at prone sa pagguho ng lupa.