PUERTO PRINCESA CITY – Mula sa tatlumpu’t siyam (39) na mga tripulanteng nawawala sa tumaob na Chinese Fishing Vessel kamakailan, limang (5) Pinoy ang napabilang sa kumpirmadong nawawalang indibidwal, ayon sa pahayag ng Chinese Ambassador sa Pilipinas.

Sa Opisyal na Facebook page ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, kinumpirma nitong isang Chinese fishing vessel na may pangalang Lu Peng Yuan Yu 028 (LPY28) ang tumaob sa Indian Ocean.

Agad nakipag-ugnayan ang Chinese Embassy sa Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine Coast Guard (PCG), at sa iba pang kinauukulang ahensya ng Pilipinas hinggil sa nangyaring aksidente sa karagatan.

Sa pamamagitan ng direktiba ni Chinese President Xi Jinping, agad na tumugon ang bansang Tsina sa nabanggit na insidente. Agarang nagpadala ng rescue force upang alamin ang sitwasyon sa lugar, at makipag-ugnayan para sa paghahanap at pagsagip sa mga nawawalang tripulante.

Sa ulat, sinabing dalawang (2) Chinese vessels ang dumating malapit sa huling lokasyon ng tumaob na Chinese fishing vessels upang magsagawa ng imbestigasyon at β€œsearch-and-rescue operations” sa lugar ng insidente.

Author