Photo courtesy: PDRRA Volunteer Roxas

Nasawi ang isang senior citizen matapos madaganan ng isang malaking bato sa Sitio Nanabu, Brgy. Caramay, bayan ng Roxas, Palawan, kamakailan.

Ang biktima ay isang 70-anyos na lalaki, residente ng nasabing bayan, na dumayo lamang sa nasabing barangay upang mangalap ng ginto sa lugar, ayon sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Roxas Operation Center at Prov’l Disaster Risk and Reduction Auxilliary (PDRAA) Volunteers.

Agad namang nagtulung-tulong ang mga residente ng lugar upang makuha ang katawan ng biktima at madala sa mga rumespondeng tauhan ng MDRRMO Roxas.

Sa ngayon, inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng biktima ng mga awtoridad at inilipat ang bangkay nito sa isang morgue sa Brgy. III, nabanggit na bayan.

Author