LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA — Sasailalim sa dalawang (2) araw na pagsasanay ang isandaang (100) person deprived of liberty (PDL) ng Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF).
Ayon sa ulat ng PIA Palawan, makakatuwang ng mga PDLs sa gaganaping skills training program ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pamamagitan ng Puerto Princesa School of Arts and Trade (PPSAT) mula Pebrero 20 hanggang 21.
Ang mga nasabing kalahok na sasailalim sa medium security, ay magsasanay ukol sa Food Processing NCIl Tinapa Making, Bread & Pastry Production NC Il, Pandesal Making, Electronic Product Assembly & Services NC II, Repair Household Appliances, Electrical Installation & Maintenance NC II at Paggawa ng Extension Wire.
Ang mga kalahok ay makakatanggap din ng mga sertipiko pagkatapos makumpleto ang pagsasanay.
Samantala, kasabay nito ay lumagda rin ang IPPF sa isang memorandum of understanding (MOU) sa TESDA para sa Community Outreach Skills Training Program.
Naniniwala ang TESDA na ang pagsasanay para sa mga PDL ay magbibigay umano sa kanila ng mga kinakailangang kasanayan na maaaring makatulong sa kanilang kabuhayan sa oras na sila ay mapalayang muli sa lipunan.