PALAWAN, Philippines — KUMPIRMADO na sa lungsod ng Puerto Princesa isasagawa ang Brunei Darussalam–Indonesia–Malaysia–Philippines East ASEAN Growth Area, or BIMP-EAGA.
Ito ay nakumpirma matapos ang isinagawang turnover ng BIMP EAGA Friendship Games flag ni Philippine Sports Commissioner Walter Torres kay City Mayor Lucilo Bayron na sinaksihan naman nina Dir. Anna Christine Abellana & Dir. Merlita Ibay mula sa PSC at Atty. Gregorio Austria, City Sports Director, at Violeta Dalunos mula sa City Government.
Ang Puerto Princesa ang napiling host city ng 11th BIMP EAGA Friendship Games na nakatakdang isagawa sa Disyembre 1-5, 2024.