PUERTO PRINCESA CITY- NAKATANGGAP ng programang pangkabuhayan ang labindalawang (12) asosasyon ng mga katutubong mangingisda sa Cagayancillo nitong Abril 8 at 22, 2024.
Ayon sa BFAR SAAD MIMAROPA, aabot sa kabuuang 843 miyembrong indibidwal mula sa mga asosasyon ang nakinabang sa proyektong ipinagkaloob ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources- Special Area for Agricultural Development (BFAR-SAAD).
Ang bawat pangkat ng nasabing proyekto ay binubuo ng upright chest freezer, hook and line, diving mask na may snorkel, bottom set gill net, at farm implements.
Photo Courtesy | BFAR SAAD MIMAROPA
Ang nasabing programa ay dinaluhan ni Regional Focal Person Roberto R. Abrera at mga kinatawan mula sa LGU ng Cagayancillo, kasama sina Vice Mayor Lourdes C. Lanoy at Municipal Agriculturist Joseph C. Padul.
Samantala, ang mga input ay susuporta umano sa post-harvest at marketing activities ng mga mangingisda para mag-culture ng seaweed at mulkfish culture.
Ang DA-BFAR Special Area for Agricultural Development [SAAD] Program Phase 2 ay isang locally funded na proyekto na nagbibigay ng mga interbensyon sa pangingisda upang makuha ang pangisdaan, aquaculture, at postharvest, na prayoridad ang pinakamahihirap at pinakamalalayong lugar sa bansa na hindi nakatanggap ng suporta mula sa regular na programa DA – BFAR.