Ni Marie F. Fulgarinas
LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA —Nakumpiska ng mga tauhan ng Coast Guard District Palawan ang tinatayang nasa P120,000.00 halaga ng diumano’y inabandonang smuggled cigarettes sa Barangay Calasaguen sa nabanggit na bayan nitong Linggo, Pebrero 18.
Ayon sa ahensya, nakatanggap ang kanilang tanggapan ng impormasyon mula sa isang concern citizen kaugnay sa abandonadong mga ipinuslit na sigarilyo na tinakpan ng trapal sa nasabing lugar.
Agarang ikinasa ang apprehension team ng CGS South Central Palawan kasama ang Coast Guard Intel Unit – Palawan, Bantay Palawan Task Force at Palawan Tobacco Institute kung saan matagumpay na narekober ng grupo ang anim (6) na kahong smuggled cigarettes.
Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng mga kontrabando at ang mga taong nasa likod ng transaksiyon.