Labing-apat (14) na mga indibidwal na may pananagutan sa batas ang naaresto ng mga kapulisan ng Puerto Princesa City Police Office, batay sa kanilang Weekly Operational Accomplishments nitong nagdaang linggo, Setyembre 29 hanggang Oktobre 5, taong kasalukuyan.
Dalawa (2) sa mga naaresto ang kabilang sa listahan ng Most Wanted Persons, walo naman sa listahan ng Wanted Persons, dalawang (2) may pananagutan sa Presidential Decree (PD)1865, habang dalawa (2) naman ang naaresto na may kaugnayan sa paglabag sa Republic Act 9165 o “Dangerous Drugs Act of 2002.
Nagpapasalamat ang tanggapan ng pulisya sa publiko dahil sa patuloy na pagsuporta sa hangarin ng mga kapulisan na panatilihin ang kapayapaan sa lungsod.
“Makakaasa po kayo na ang Puerto Princesa City Police Office ay patuloy sa pagsasagawa ng mga operasyon upang hulihin ang mga taong may pananagutan sa ating batas. Sama-sama po nating tuparin ang ating mithiing katahimikan at kaayusan sa lungsod ng Puerto Princesa,” pahayag ng tanggapan.