Photo courtesy | PPCPO

PUERTO PRINCESA—Timbog sa iba’t ibang operasyon ng mga tauhan ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) ang labinlimang katao na may iba’t ibang kasong kinakaharap nitong unang linggo ng taong 2025.

Ayon sa impormasyon nina City Police Office Public Information Officer Police Captain (PCapt) Bryan Rayoso at Police Executive Master Sergeant (PEMS) Allan Aurello, patuloy na sinusulusyonan ng kapulisan ang problema sa iligal na droga na kung saan dalawang operasyon ang isinagawa ng pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang Street-Level Individuals (SLI) matapos mahulihan ng may kabuuang 8.04 na gramo ng pinaghihinalaang shabu na may tinatayang halaga na P27,377.06.

Isang biktima naman ng pagnanakaw ang pursigidong ituloy ang kaso laban sa tatlong kawatan matapos isako ang kanyang dalawang mamahaling manok na nagkakahalaga ng P30,000.00.

Sa pinaigting na kampanya kontra Most Wanted Persons, nagsagawa ang pulisya ng limang operasyon na nagresulta sa pagkakahuli sa anim na indibidwal na nakalistang most wanted persons na may kinakaharap na iba’t ibang kaso: Frustrated Murder; Grave Threats; Chain Saw Act of 2002 7 (4) of Republic Act No.9175; Theft, Acts of Lasciviousness under 335 of the RPC in Relation to Violation of Section 5 (B) of Republic Act No. 7610 as amended by RA 11648; at Attempted Homicide.

Samantala, arestado ang apat na katao matapos mahulihan ng iligal na kontrabando ng mga smuggling na sigarilyong berlin at fort na nagkakahalaga ng P345,000.00.

Author