PUERTO PRINCESA CITY, Philippines — DUMALO ang nasa isandaan at limampung Barangay Veterinary Aides o BVAs sa ikalimang BVA convention na ginanap sa AKC Country Home, Brgy. San Manuel nabanggit na lungsod simula nitong Hunyo 17 hanggang ika-18 ng buwan, taong kasalukuyan.
Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Provincial Veterinary Office (PROVET) katuwang ang UNAHCO Inc. at Zoetis Philippines.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ng dagdag na kaalaman ang mga ito tungkol sa mahalagang papel na kanilang ginagampanan para sa pagpapaigting ng epektibong serbisyo at pagsusulong ng malusog at ligtas na livestock industry sa lalawigan.
Sa kaganapan, tinalakay ang usapin patungkol sa Management of Swine at Poultry & Product at African Swine Fever Biosecurity na ibinahagi ng UNAHCO Inc. at Zoetis Philippines.
Maliban dito, nagkaroon din ng presentasyon ang Provet ng kanilang mga programa kabilang ang Rabies Eradication Program, Herd Health and Genetic Improvement Program, Disease Prevention and Disease Monitoring Program at Barangay Veterinary Aid Program na pinangunahan ng mga kawani ng tanggapan.
Pinasalamatan naman ni Provincial Veterinarian Dr. Darius Mangcucang ang mga partisipanteng nakiisa sa aktibidad na katuwang ng kanilang tanggapan upang mapanatiling African Swine Fever (ASF), Bird Flu at Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD) free ang Palawan.
Nagsilbi namang panauhin sa kaganapan sina Anne Jasmine Orillena ng Unahco, Inc, Dr. Jerry Alleda, at Dr. Crispin Gabriel ng Zoetis Philippines kasama sina Board Members Ariston D. Arzaga, Winston G. Arzaga, at Roseller Pineda.
Sa huli, pinagkalooban naman ang bawat partisipante ng VET aid kits na naglalaman ng t-shirt, bag, cap, manual, at vet supplies.