Photo Courtesy | Philippine Emergency Alerts/Ferl John Pacaldo, Contributed photos

Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY โ€” Nasa labimpitong (17) katao ang kumpirmadong patay matapos mabangga ang pampasaherong van ng isang dump truck sa Barangay Luhong sa bayan ng Antipas, nabanggit na lalawigan nitong Lunes, Marso 25.

Sa ulat ng News 5, kinumpirma nitong patay ang 17 pasahero nang mangyari ang aksidente sa kahabaan ng Cotabato.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, papunta umano ng Antipas proper ang dump truck na may kargang buhangin nang itoโ€™y mawalan ng preno at bumangga sa kasalubong na van.

Dead on the spot ang driver ng van habang binawian din ng buhay ang 16 pa nitong pasahero.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Antipas Municipal Police ang dump truck driver na mahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries and damage to property.

Author