PUERTO PRINCESA — Nasa labing-walong katao mula sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Palawan ang natimbog ng mga alagad ng batas sa loob ng isang linggong operasyon ng Provincial Police Office (PPO).

Ipinagmamalaki ng Palawan PPO sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Carlito A. Narag Jr., Provincial Director, ang matagumpay na mga police operations na naisagawa nitong ika-25 ng Nobyembre hanggang ika-1 ng Disyembre, taong kasalukuyan.

Kabilang sa mga napagtagumpayan ng pulisya ang pagkakadakip sa dalawang katao na nakalistang Most Wanted Person at walong katao naman na kinilalang Wanted Person ang inaresto.

Dagdag pa rito ang isang drug suspek na lumabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022” na kung saan nahulihan ng pulisya ang suspek ng 0.71 gramo ng pinaghihinalaang iligal na droga na nagkakahalaga ng P3,000.00.

Sa Oplan Katok, dalawang indibidwal ang boluntaryong nagsuko ng kanilang mga baril habang isang katao naman ang nakumpiskahan ng pulisya.

Umaabot naman sa pitong katao ang inaresto dahil sa iligal na gawin sa pangingisda.

Samantala, patuloy naman pagsusumikapan ng Palawan PPO katuwang ang iba’t ibang ahensya na madakip ang mga indibidwal na lumalabag sa batas at mapanagot ang mga ito.

Author