PHOTO//CONG. EDGARDO SALVAME FB PAGE

Nasa mahigit 1,100 mga mamamayan ng bayan ng Roxas ang naging benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) kamakailan.

Katuwang sa naturang kaganapan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng pamunuan ni Secretary Bienvenido Laguesma, ayon sa ibinahaging ulat ni 1st District Congressman Edgardo ‘Egay’ Salvame.

Matatandaang namahagi rin ang nasabing programa sa bayan ng El Nido, Palawan, at sa susunod na Linggo ay nakatakda rin silang bumisita sa bayan ng Culion at Linapacan upang maghatid ng tulong sa mga displaced workers sa lugar na nabanggit.

Ang TUPAD Program ay isang community-based safety net program ng gobyerno na nag-aalok ng pansamantalang trabaho sa mga manggagawa mula sa mga impormal na sektor na walang hanapbuhay, self-employed, o displaced marginalized na manggagawa na ang mga kita ay naapektuhan ng nagdaang pandemya.