Matagumpay ang kauna-unahang Provincial Disaster Risk Reduction Auxiliary Summit sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nitong araw ng Linggo, Disyembre 15, sa Convention Center ng kapitolyo.
Ang aktibidad ay may temang “Igniting Volunteer-led Innovation for Deep Economic and Social Transformation” alinsunod sa pagdiriwang ng National Volunteers Month ngayong buwan ng Disyembre, taong kasalukuyan.
Nasa mahigit isanlibong Disaster Risk Reduction auxiliary volunteers mula sa mga bayan sa lalawigan ang dumalo at nakisaya sa aktibidad.
Nakiisa sa pagtitipon sina Executive Director Donald James D. Gawe ng Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency at Gobernador Dennis M. Socrates.