Photo courtesy | CGDPAL

PUERTO PRINCESA CITY- Matagumpay ang kauna-unahang Trail Run ’24 ng Coast Guard District Palawan (CGDPAL) na ginanap ngayong araw ng Linggo, Agosto 11, 2024.

Ayon sa CGDPAL, ang aktibidad na ginanap sa Sitio Magarwak, Barangay Bacungan, Lungsod ng Puerto Princesa ay nilahukan ng nasa mahigit tatlongdaang (300) partisipante gaya ng mga avid trail runners at outdoor enthusiasts.

Anila, hindi umano malilimutan ng mga kalahok ang naturang karanasan na kung saan ay nasaksihan ng mga ito ang magagandang tanawin sa lungsod.

Ang nasabing aktibidad ay alinsabay sa pagdiriwang ng ika-56 na pagkakatatag ng kanilang distrito.