Photo Courtesy | PIO Palawan
PUERTO PRINCESA CITY —Upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga bagong empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, nagsagawa ng dalawang (2) araw na Onboarding Program ang Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) na isinagawa sa VJR Hall ng gusaling kapitolyo mula Enero 30-31, 2024.
Ayon sa PIO Palawan, naging posible ang nasabing aktibidad sa pangunguna ng HRMO na kung saan ay dinaluhan ito ng animnapu’t pitong (67) bagong talagang empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan.
Kabilang sa mga dumalo ay sina Board Members Ferdinand P. Zaballa, Chairman ng Committee on Re-Organization, Civil Service and Human Resource at Juan Antonio E. Alvarez na miyembro naman ng nabanggit na komite.
Tinatalakay sa kaganapan ang patungkol sa Introduction to PGP, Movements in the Human Resource in the Civil Service and Other Salient Points of ORA OHRA; Office Rules, Regulations & Policies; Performance Management; Policies on Leave Administration; Benefits, Incentives & Rewards; Personnel Relations; Norms & Conduct of Public Employees (RA 6713) at Employee Discipline.
Sa pamamagitan nito ay mauunawaan ng mga empleyado ang mga tungkulin na kanilang dapat gampanan upang makapaghatid ng maayos at epektibong serbisyo sa mga Palaweño batay sa direktiba ni Gobernador Victorino Dennis M. Socrates at ng Civil Service Commision (CSC).
Samantala, ngayong araw ng Miyerkules ika-31 ng Enero naman gaganapin ang seremonya ng panunumpa ng mga nasabing empleyado na pangungunahan ni Gov. Socrates.