PALAWAN, Philippines — MAKAKATANGGAP ng P100,000 mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD ang dalawang centenarians o nakatatandang may edad isandaang taong gulang (100 yeards old) pataas mula sa lungsod ng Puerto Princesa.
Ayon sa DSWD Region 4B, ang programang ito ng pamahalaan ay batay sa Republic Act 10868 o mas kilala sa tawag na Centenarians Act of 2016.
Sa buong rehiyon, kabilang sa ginawaran ng pagkilala at tulong noong Pebrero 19 hanggang ika-27 ng buwan ang mga centenarians na mula sa mga probinsya ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Puerto Princesa City.
Kabuuang labindalawang (12) centenarians mula sa rehiyon ang kinilala at binigyan ng 100,000.00 Philippine Pesos na personal na ipinagkaloob ni Chief Administrative Officer Joel S. Mijares, kinatawan ni Regional Director Leonardo C. Reynoso.
“The recognition of centenarians serves as an inspiration for younger generations. Their stories of resilience, fortitude, and adaptability become a source of motivation for individuals facing the challenges of the modern world,” ayon pa sa ahensya.
Maliban sa cash gift ang mga centenarians ay makakatanggap din ng Certificate of Felicitation na pirmado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.