Photo Courtesy | PIO Palawan
Ni Samuel Macmac
·
PUERTO PRINCESA CITY — NAKAMIT ng dalawang iskolar ng Pamahalaang Panlalwigan ang tagumpay matapos pumasa sa isinagawang Midwife Licesure Examination na ginanap nitong buwan ng Abril 2024.
Kinilala ang mga nakapasang mga bagong midwife na sina Celsa May D. Magtanong ng bayan ng Aborlan at Allana Donabelle R. Busa ng lungsod ng Puerto Princesa na nagpakita ng kanilang kahanga-hangang pagsisikap sa pamamagitan pagpasa sa naturang pagsusulit, ayon sa tanggapan ng impormasyon ng kapitolyo.
Ang mga nasabing iskolar ay kumuha ng Diploma in Midwifery Program sa Palawan State University na kung saan sila ay tinulungan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng SPS Alay sa Kabataan-Programang Pang-Edukasyon para sa Palawenyo.
Pangunahing layunin ng programang ito ang makapagbigay ng tulong sa mga karapat-dapat na mga estudyante nan ais kumuha ng kursong medisina at iba pang medical-related courses gaya ng midwifery.
Nagkakaloob din ng tulong ang Pamahalaang Panlalawigan a pamamagitan ng naturang programa ng review assistance maliban sa scholarship grant na ipinagkakaloob sa mga iskolar.
Base sa impormasyon mula kay Gng. Maria Victoria B. Baaco, Program Manager ng SPS Alay sa Kabataan, nagkakahalaga ng P30,000.00 ang in-avail ng isa sa mga scholar para sa financial/review assistance mula sa programa.
Ang nasabing halaga ng review assistance ay makakatulong para sa mga gastusin upang maiproseso ang mga kinakailangang dokumento at bayarin para sa review at pagkuha ng nabanggit na eksaminasyon.
Samanatala, inaasahang maglilingkod ang mga bagong midwife sa mga ospital sa iba’t ibang munisipyo na pinangangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan.