Ni Ven Marck Botin
MATAGUMPAY na nakapagtapos ng pag-aaral ang dalawang (2) kabataang kababaihang residente ng Lualhati Women Center ng Palawan (LWCP) para sa school year (SY) 2022-2023.
Sa Facebook post, kinumpirma ng Provincial Information Office na ang isa ay nagtapos ng elementarya habang ang isa naman ay nagtapos ng Junior High School sa pamamagitan programang Alternative Learning System o ALS ng Department of Education (DepEd).
Ang Lualhati Women Center ay pinangangasiwaan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na patuloy namang sinusupurtahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan upang magsilbing bahay-kanlungan ng mga kabataang kababaehan na biktima ng iba’t ibang uri ng karahasan o pang-aabuso.