PALAWAN, Philippines — Nasawata ng pinagsanib-puwersa ng Bantay CADT (Certificate of Ancestral Domain Title), Napsan Barangay Officials, at mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) City Mobile Force Company (CMFC) ang dalawang Super-light Fishing Vessel o likom na iligal na nagsasagawa ng pangingisda sa karagatang ninuno ng mga katutubong Tagbanua sa bahaging west coast ng Lungsod ng Puerto Princesa nitong Abril 2.
Sa Facebook post, kinumpirma ng Simbanap (Simpocan, Bagong Bayan, at Napsan) Tagbanua ICCs /IPs na ikinasa ang operasyon nitong madaling araw ng Martes kung saan naaktuhan ang dalawang fishing vessels na nangingisda sa loob ng nasabing karagatan na may layong humigit-kumulang apat (4) na milya mula sa baybayin ng nabanggit na lugar.
Sa Facebook post naman ni Barangay Napsan Councilor Marvin Zafra, makikitang mahigpit na siniyasat ng mga rumespondeng opisyal ang mga papel ng dalawang bangka’t kinumpiska ang mga nahuling mga isda.
Dagdag dito, libre namang ipinamahagi ang mga nakumpiskang isda mula sa nasabing mga bangka.