Photo courtesy | WESCOM PIO
PUERTO PRINCESA CITY – Na-promote sa panibagong ranggo ang dalawang (2) opisyal ng Western Command (WESCOM) sa kanilang puwesto nitong Huwebes, Enero 18, 2024.
Pinangunahan ni Vice Admiral Alberto Carlos PN ang seremonyas ng mga newly-promoted personnel na sina Colonel Reynaldo Balido PA(MNSA), WESCOM’s Staff for Civil Military Operations (U7), at Colonel Alan Greg Castro PAF(GSC), WESCOM’s Staff for Communications, Electronics, and Information System (U6).
Ang mga bagong promote na opisyal na ito ay patuloy umanong magiging instrumento sa pagsuporta sa mga pagsisikap ng WESCOM tungo sa pagtiyak ng kapayapaan, seguridad, at katatagan sa kanlurang hangganan.
Ayon sa social media post ng WESCOM,
kinilala ang dalawang opisyal dahil sa kanilang dedikasyon at huwarang serbisyo kaya’t nararapat lang umano na matanggap nila ang kanilang mga promosyon.
Sa kaganapan, ipinahayag ni Carlos ang kanyang lubos na pagmamalaki sa dalawang bagong promote na opisyal at binati sila sa kanilang mga nagawa.
Binigyang-diin niya na “ang pag-promote ng isang indibidwal ay hindi lamang isang pagkilala sa kanyang kapasidad na gumanap kundi pati na rin ang pagkilala sa kanyang potensyal na magsikap para sa higit na kahusayan at makamit ang higit pa.” (Photo/WESCOM PIO) | via Vivian Bautista