Photo courtesy | Provincial Governor’s Office
MANINGNING, Puerto Princesa City – Isinagawa nitong ika-11 ng Enero sa Princesa Garden Island Resort, sa nabanggit na lungsod ang 2022 Community-Based Monitoring System (CBMS) Data Turnover Ceremony.
Ayon sa ulat ng Provincial Information Office, ang kaganapan ay dinaluhan ni Governor Victorino Dennis M. Socrates na pinangasiwaan ng Philippine Statistics Authority (PSA) Palawan.
Pormal nang ipinagkaloob sa mga lokal na pamahalaan ng mga bayan ng Agutaya, Cagayancillo, Cuyo, Kalayaan, Linapacan, at Magsaysay ang mga datos na nakalap sa 2022 CBMS na personal na tinanggap ng mga alkalde ng bawat munisipyo at kinatawan ng mga ito ang datos ng CBMS na kung saan lubos na nagpakita ng pagsuporta ang gobernador.
Ang mga datos na nakalap sa 2022 CBMS ay mahalaga umano para sa pagpaplano ng mga proyekto at programa ng Pamahalaang Panlalawigan.
Kaugnay rito, nagsagawa rin ng
Ceremonial Signing on Data Sharing Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan at PSA na nilagdaan ni Gob. Socrates at PSA Undersecretary, National Statistician and Civil Registrar General Claire Dennis S. Mapa, habang sinaksihan naman ang naturang paglalagda ng mga kinatawan mula sa PSA, Department of the Interior and Local Government (DILG) Palawan at Pamahalaang Panlalawigan.
Nanagangahulugan ang kasunduan bilang pagbibigay karapatan sa Pamahalaang Panlalawigan na magkaroon ng access sa mga datos ng mga lokal na pamahalaan sa Palawan na nakapaloob sa CBMS.
Ang Philippine Statistics Authority ( PSA) ay ang central statistical authority ng gobyerno ng Pilipinas na nangongolekta, nagtitipon, nagsusuri at naglalathala ng istatistikal na impormasyon tungkol sa mga usaping pang-ekonomiya, panlipunan, demograpiko, pampulitika at pangkalahatang mga gawain ng mga mamamayan ng Pilipinas.