UMANI ng negatibong reaksiyon mula sa mga netizens ang 2025 tourism audio-visual presentation (AVP) ng Puerto Princesa City Tourism Office.

Pinuna ng mga netizens ang konsepto ng kuwento, aktingan, at kalidad ng visual presentation at iminungkahi ang iba pang kaaya-ayang anggulo ng kuwento na nakapokus sa turismo o pagmamahal sa kalikasan.

Anila, maituturing na “vague romantic angle” ang storyline ng kuwento dahil sa umano’y “micro cheating” na pinagbibidahan ni Kapuso Actor MJ Abellera.

Dagdag dito, napuna rin ng mga netizens ang kalidad ng editing at iba pang teknikal habang pinuri naman ang video shots ng produksiyon.

Samantala, nagpahayag naman ng paglilinaw ang direktor ng Red Wine Creatives Inc. sa pamamagitan ng kaniyang official Facebook account.

“Although, it’s been generally getting positive feedback, [siyempre] may mga netizens who feel it’s promoting ‘micro’-cheating. I would like to take full responsibility for the concept. I just wanted to insert a vague romantic angle in the video so that viewers will be engrossed to watch it till the end.

Kung matuloy ang sequel to this, then you’ll know what the real story is and who and what Candy is in MJ’s life. Sorry at marami [pa lang] madaling ma-trigger sa cheating issues which is not what this video is about, so apologies if it came out that way. 🙏🏾,” pahayag ni Jeffrey Hidalgo.

Author