PHOTO|| CIO FACEBOOK LIVE

Ni Clea Faye G. Cahayag

Ang Department of Energy (DOE) katuwang ang Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Puerto Princesa ay nagsagawa Business One Stop Shop (BOSS) para sa mga nagnenegosyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) at Liquid Fuel sa lungsod noong ika-11 ng Hulyo.

Sa flag raising kaninang umaga, tinuran ni Tess Rodriguez, hepe ng BPLO na 203 aplikasyon ng mga gasolinahan at LPG dealer ang naiproseso sa isinagawang BOSS.

Kabilang sa mga ipinagkaloob na serbisyo ang personal na aplikasyon ng License to Operate (LTO) at Certificate of Compliance (COC) para sa mga nagtitinda ng LPG, gasolina, disel, at oil lubricant.

Layunin nito na mailapit ang mga serbisyo ng Oil Industry Management Bureau ng DOE sa mga negosyanteng taga-lungsod.

โ€œMaraming mga gasolinahan dito na hindi nakakakumpleto ng kanilang mga papeles at ito po ang clamor nila kasi ang kanilang mga pre-requirements ay kailangan sa Manila pa.

So what the administration did nakipag-usap po tayo kay Director IV Rino Abad ng DOE MIMAROPA at ipinadala niya po ang kanyang grupo ng Oil Industry Management Bureau at legal department para magprocess dito. Kayat sabi ko po, isa ito sa mga innovations ng BPLO to reach out sa mga national agencies para dalhin po natin yung mga national government sa lungsod para po mapabilis ang pagpoproseso ng ating mga negosyante,โ€ ani Rodriguez matapos ang flag raising ng city government.

Ang programa ay alinsunod sa Republic Act 11592 o โ€œLPG Industry Regulation Actโ€ na layuning matiyak ang ligtas na pagpapatakbo ng industriya ng langis at petrolyo, at mapanagot ang sinumang lalabag sa mga alituntunin na ipinapatupad ng kagawaran.

Plano naman dalhin sa lungsod sa mga susunod na panahon ang tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang opisyal sa suportang ibinigay ni Punong Lungsod Lucilo Bayron gayundin sa mga miyembro ng BOSS na nag-asikaso sa mga dumating na panauhin.