Photo courtesy | MDRRMO Brooke's Point

PUERTO PRINCESA—Opisyal nang binuksan nitong araw ng Huwebes, Enero 9, ang District Meet o Palarong Pambayan 2025 ng mga eskuwelahan sa bayan ng Brookes Point na kasalukuyang ginaganap sa Sports Complex ng Barangay Pangobilian, nasabing bayan.

Ang pagbubukas ay pinangunahan ni Municipal Mayor Cesareo Benedito Jr. kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Liga President, at iba pang ahensya ng gobyerno.

Dinaluhan din ito ng dalawampu’t isang (21) mga paaralan mula sa North at South District Schools ng bayan ng Brooke’s Point, Palawan, na kung saan ang palaro ay tatagal ng tatlong araw, mula Enero 9 hanggang 11.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng

Repetek News

, maituturing na isang pagkakataon sa mga estudyanteng manlalaro na maipakita ang kanilang galing sa iba’t ibang larangan ng sports.

Hinihikayat naman ang lahat ng mga kalahok na ipagdiwang ang diwa ng pagkakaisa, sportsmanship, at paggalang sa isa’t isa.

Ang mga kaganapang gaya ng palarong pambayan ay isang mahalagang hakbang upang mapalakas ang komunidad at mapalaganap ang kultura ng sports sa bayan ng Brooke’s Point.