Ni Ven Marck Botin
Nasawata ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sibuyan ang mga ‘undocumented lumber’ sa Bgy. Taclobo, San Fernando, Romblon, nitong ika-25 ng Setyembre.
Ayon sa Philippine Coast Guard Cadiongan, nakumpiska ang mga illegal na kahoy sa ikinasang anti-illegal logging operation sa lugar na tinatayang nasa 224 libong pisong halaga.
Kunumpirma rin ng ahensya na nakatanggap ng sumbong ang kanilang tanggapan na “one of the motorbancas that they are monitoring at the above-mentioned barangay will allegedly load undocumented assorted cut-size lumber to be delivered at Hintutulo, Masbate.”
Nang siyasatin ang lugar, dito na naaktuhan ng mga awtoridad na kasalukuyang ikinakarga sa “Saint Mary 2” ang mga kontrabando kung saan bigong maglabas naman ng mga kaukulang dokumento ang may-ari ng bangka na kinilalang si Amabli Ruado Jr.
“The team confiscated the following for violating Section 77 of Presidential Decree No. 705 or the Revised Forestry Code of the Philippines, as amended by R.A 7161. Specifically, the violation for cutting, gathering, and/or collecting timber or other products without a license or permit,” pahayag ng PCG.
Nakumpiska ang nasa apatnapu’t isang (41) assorted lumbers at motorbanca nakasalukuyang nasa kustodiya ng mga opisyales ng Bgy. Taclobo.
Samantala, sasampahan naman ng kaukulang kaso ang may-ari ng bangka.