Ni Marie F. Fulgarinas
PUERTO PRINCESA CITY – LUMAYA na sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) ang dalawampu’t apat (24) na Persons Deprived of Liberty o PDLs nitong Marso 15, 2024.
Ayon sa Bureau of Corrections, isinagawa ang mass release sa Administrative Building ng IPPF sa pangunguna ni Superintendent Gary A. Garcia kasama ang mga opisyal ng Iwahig Prison and Penal Farm.
Sa kaganapan, binigyang-diin ni Garcia na ang mga lumayang PLDs “should be viewed as renewed individuals who have been reintegrated into society”.
Pinaalalahanan din ng opisyal ang mga bagong layang PDLs na i-uphold ang “characteristics and good behavior” na in-instill ng mga tauhan ng Iwahig Prisons and Penal Farm sa pamamagitan ng iba’t ibang mga reporma para sa pagbabago at muling pagbabalik ng mga ito sa malayang lipunan.
Ayon pa sa Bureau of Corrections, ang paglaya ng dalawampu’t apat na PDLs ay bahagi ng direktiba ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., na doblehin ang pagsisikap at dedikasyon sa mabilis na pagpapalabas sa mga kwalipikadong PDL batay sa alintuntunin ng Republic Act No.10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
“All of the released PDLs received transportation allowance from the bureau and additional assistance from DSWD through the coordination of the IPPF – External Affairs Section (EAS) with the said agency,” pahayag ng Bureau of Corrections.
Tiniyak naman nina Catapang at Garcia na patuloy ang pagsisikap ng local IPPF Management and Screening Committee (MSEC) upang kalkulahin ang Good Conduct Time Allowance ng mga PDLs upang mapadali ang maagang pagpapalabas sa mga ito.