“Sana ay magkaisa tayo sa layuning ito,” pahayag ni Sabando hinggil sa ordinansang magtatakda ng 25 year ban o kautusang magbabawal ng pagmimina sa Palawan
PUERTO PRINCESA CITY, Palawan — Sa privilege speech ni Palawan 1st district Board Member Ma. Angela Sabando sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan nitong Setyembre 17, inihain ng bokal ang panukalang batas na magpoprotekta sa kinabukasan ng kalikasan ng lalawigan.
Aniya, napapanahon ang nasabing ordinansa dahil nagtatakda ito ng dalawampu’t limang (25) taong pagbabawal sa anumang aktibidad na may kaugnayan sa pagmimina sa buong lalawigan ng Palawan.
Inahayag ni Sabando na masusing pagsisiyasat ang kaniyang ginawa sa pamamagitan ng saloobin ng mga mamamayan hindi lamang sa Norte kundi pati na rin sa Sur ng lalawigan na pinagtibay sa katatapos na kauna-unahang Palawan Stakeholders Congress on the Environment na isinagawa nitong nakalipas buwan ng Abril.
“Malaking tulong po sa ating pagdedesisyon ang naging resulta ng kongresong iyon dahil hindi lamang tayo sa Sangguniang Panlalawigan o siya bilang Gobernador ang uukit sa tahakin ng Palawan kaugnay ng likas-kayang kaunlaran gayundin ang pagmimina sa ating lalawigan,” ani BM Sabando.
Ayon pa sa bokal, napakaraming mining applications sa Palawan — hindi lang sa sur kundi maging sa norte ng Palawan na itinuturing na Ecotourism destination kung saan aniya ay minabuti ni Governor Victorino Dennis Socrates na ipatawag o magkaroon ng stakeholders congress.
“Mahigit 84.5 percent sa bilang ng mga dumalo ang nanawagan para sa moratorium o pansamantalang pagtigil ng bagong mining applications sa Palawan. Nagsalita na ang taumbayan. Sino naman po tayo na kasama sa kongresong iyon para pasubalian ang tinig ng mamamayan na ating kinatawan? Direktiba ng taumbayan ang moratorium na ito at tayo ay sumasalamin lamang sa kanilang saloobin at adhikain.
Kaugnay nito, magalang kong inihahain sa kapulungan na ito ang paanyaya sa lahat na maging co-author sa ordinansang mangangalaga sa kritikal na isla ng Palawan at sa mamamayan nito,” pahayag ni Sabando.
Aniya pa, ang mga bagong aplikasyon ng pagmimina lamang ang tinututulan dahil sa iginagalang niya ang mga kasalukuyang minahan sa lalawigan, na kung saan ay siyam (9) ang kasalukuyang mining operations sa iba’t ibang bahagi ng Sur at wala na rin umanong balak na madagdagan pa ang mga ito.
Dahil sa isang Critical ecosystem ang isla ng Palawan, marapat lang umanong tutulan ang mga mapanirang gawain ng pagmimina sa lalawigan, sa halip ay itaguyod na lamang ang pangmatagalang progreso sa pamamagitan ng mga industriya na sumusuporta sa likas “-kayang kaunlaran ng mga Palawenyo.
Matatandaan, ang stakeholders congress ay dinaluhan ng mahigit tatlundaang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor kung saan ay inimbitahan din ang mga provincial board members upang talakayin ang mga napapanahong usapin hinggil sa kalikasan para sa kinabukasan ng Palawan.
Bagay na sinang-ayunan ni Board Member Nieves Rosento sa pamamagitan ng kaniyang sponsorship speech ng nabanggit na petsa.
“Today, we stand at the critical crossrules not just for Palawan but for the future generations that will inherit this land we call home. The ordinance declare the 25 years moratorium on mining in Palawan is not just a legal document. This is our collective promise to protect our last ecological frontier and the secured sustainable future of Palawan,” ayon naman kay Board Member Rosento.
The impacts of mining are not just about the environment they are deeply personal on my opinion, the distruction of an uncestral lands, violation of indigenous people’s right, and the erosion of cultural heritage are wounds that cut deep into the heart of the province and the Palaweños.
“Ang tagumpay ng ordinansang ito ay nakasalalay sa bawat isa sa atin lalo na sa lehislaturang ito. Let us work hand-in-hand to ensure the moratoreum is not just a post but a period of healing of our land — ang nag-iisang Palawan,” dagdag ni Rosento.
“Nanawagan na po ang buong Palawan, base po sa 84.5 percent ng affirmative votes pabor sa moratorium ng mga panibagong aplikasyon ng mining sa lalawigan ng Palawan. Napagkasunduan na po ng lehislatura [na] makikinig sa puso ng mga Palaweño”, aniya.