Photo courtesy | Aborlan MPS PCR

PUERTO PRINCESA CITY — Nitong umaga ng Agosto 30, nagsagawa ng Tree Planting Activity ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na isinagawa sa Talakaygan Water Treatment Plant sa Brgy Cabigaan, bayan ng Aborlan, Palawan.

Ayon sa tanggapan ng Municipal Police Station, layunin ng aktibidad na pangalagaan at bigyang-priyoridad ang mga pagsisikap sa pangangalaga sa kapaligiran para sa mas malinis, luntian at napapanatiling pag-unlad. Anila, nakatutulong din ito sa komunidad ng nasabing bayan.

Ang aktibidad ay pinangunahan nina PCPT Marvin R. Herrera, Officer In Charge, PSMS Maribel C Bascongada, WCPD PNCO kasama sina SSgt Ricky G Moreno, Team Leader MBLT 7, FSINSP Marlo Agbisit, Aborlan Firemarshal, Ms. Famie C Bacomo, Project Planning and Development Officer II, mga Barangay opisyal ng Cabigaan, G. Godofredo Ferriol, MENRO at Engr. John Gil A Ynzon, Waterworks Superintendent II.